Blogger Widgets

Four



I felt like my head is about to burst at nanunuyo ang aking lalamunan ng magising ako. Nagpalingalinga ako at nakita kong may relo sa may mesa at three thirty pa lang pala ng madaling araw. Dahan-dahan akong tumayo habang hinahagod ang aking sentido para maibsan ng kaunti ang pananakit ng aking ulo. Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang kusina para kumuha ng tubig at inumin ito.

Nakarinig ako ng pagsara ng pinto at mga yabag na mukhang papalapit dahil sa tunog nito. Nakita ko si Will na papalapit sa akin. Kumuha siya ng baso at nagsalin ng tubig mula sa pitsel.

“Gising ka na pala,” saad niya bago inumin ang tubig.

Nilapag ko ang basong hawak ko. “Bigla akong inuhaw kaya ako nagising. Muntik ko na ngang makalimutan na dito pala ako natulog.” Pangiting sabi ko. “Hindi ka nakatulog?” tanong ko ng mapansin kong hindi pa siya nakapagbihis mula kanina.

Usually kasi itong lalaking ito body conscious at gusto laging nakapag-half bath tuwing gabi.

Napatingin siya sa akin kaya nilapag din niya ang basong hawak-hawak niya pagkatapos niyang uminom. “Nakatulog naman ako. Nagpahatid si Shiela pauwi. Baka daw kasi hanapin siya.”

Buti pa siya hinahatid mo samantalang ako noon hindi. Sana pala nagpahatid na din ako sa iyo kanina nung gusto kong umuwi ano?

“Ganun ba?” He nodded.

Ilang segundo kaming natahimik at mukhang antok ng mapansin kong nakatulala pala kaming dalawa. Natawa na lang ako sa sarili ko kaya huminga ako ng malalim. “Sige, pasok na ako.” Paalam ko sa kanya saka ko siya tinalikuran.

Naglakad na ako patungong guest room at dinig kong nakasunod siya sa akin. Siguro papasok na din siya sa kanyang kwarto. Madadaanan pa muna ang kwarto niya bago ang guest room kaya ng matapat na kaming dalawa sa pintuan nito ay napahinto ako ng bigla niya akong hawakan sa aking pulsuhan. Napatingin ako sa kanya samantalang siya ay nakayukong tinitingnan ang kamay niyang nakahawak sa akin.

“Bakit Will?” tanong ko ng mapansin kong tahimik siya at hindi pa din ako binibitawan.

Hinagod-hagod niya pa muna ang aking daliri “I know it’s wrong,” saka niya ako tinitigan sa aking mga mata “but I really want to do this.”

Napakunot ang aking noo sa kanyang sinabi. “Do what?”

Nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa aking magkabilang pisngi at siniil ako ng halik at dahan-dahang isinasandal sa pader. Napapikit ako ng maramdaman kong kinagat niya ang lower lip ko at siya namang hawak sa magkabilang kamay at itaas para makulong ako.

Humiwalay siya makatapos ang ilang minuto ng aming paghahalikan at pareho kaming hinahabol ang aming paghinga. Nakatitig lang kami sa isa’t-isa na akala mo ay nagkakaintindihan kaming dalawa.

Bakit niya ba ito ginagawa ngayon? Akala ko ba tapos na ang lahat sa amin? Akala ko ba gusto niya si Shiela?

Napuna kong nagkakatitigan na kami ng ilang minuto habang habol-habol pa din ang paghinga kaya sinimulan ko na siyang talikuran para tunguhin ang guest room ng bigla niya akong hinapit sa aking bewang at sinimulang paulanan ang aking mukha ng maiinit na halik. Napangiti ako sa isiping success ang plano kong akitin siyang muli gaya nga ng napagplanuhan ko kahapon.

Nahanap niya ang kiliti ko na siyang nagpatili ng mahina sa akin kaya sinusubukan kong itulak siya palayo doon habang humahagikgik “Stop it Will they might hear us,” ang kaso malakas ang mokong kaya hindi ko siya kayang itulak.

Nararamdaman ko ang hinga niya sa aking leeg at hinahalikan ako doon. “Marinig na nila wala na akong pakialam doon.” Nagpatuloy siya sa kanyang ginagawa at ang kanyang mga kamay ay nagsimula ng maglikot at kung saan saan na umaabot.

Natatawa akong pinagmamasdan siya ng mapansin kong nanginginig siyang tinatanggal ang pagkabutones ng aking dress sa may likuran nang bigla siyang huminto at tinitigan ako. “I can’t do this,” pahingal niyang saad.

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. Titigil na ba siya? I sighed. “Let’s sleep Will,” sabi ko habang inaayos ang damit ko.

“Yeah. Let’s sleep. In my bed after doing this,” saad niya at bigla akong binuhat at ipinulupot ang aking binti sa kanyang bewang. Natatawa akong napahawak sa kanyang balikat samantalang siya ay hinawakan ako sa aking pisngi para halikan akong muli. Habang ginagawa yun ay naramdaman kong naglalakd siya at binuksan ang pintuan ng kayang kwarto. Pumasok kami at tinulak ko ang pintuan para masara ito.

Muli na naman niyang inabot ang mga butones ng aking suot sa may likuran at hindi niya pa din yun maalis alis kaya nang makalapit na kami sa kanyang kama ay pinaupo niya ako at pinagmasdan. “I hate your dress,” asar niyang sabi.

Natawa pa akong lalo dahil sa sinabi niya. Tatanggalin ko na sana sa pagkakabutones ng bigla niyang hilain ng magkabilaan ang aking dress at naramdaman kong nasitanggalan ang mga butones kaya dali-dali niyang hinubad ang suot ko.

“You just ruined my dress!” hinampas ko siya sa kanyang braso ng pagkalakas lakas pero mukhang balewala yun sa kanya. “Anung isusuot ko ngayon ha?”

“I don’t care about ruining your dress Reina. You still have clothes in my closet,” sabi niya habang patuloy pa din sa pagtanggal ng aking dress.

What? Tinago niya pa din ang mga gamit ko kahit wala na kami?

After undressing me, he threw my dress on the floor and made me to lie on his bed and look at me in the eye. “Yes. I kept your stuffs cause I know you’ll be back. You’ll be mine again and again cause you are still mine. Mine alone Reina. After all, you are still my Reina.”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kaya napangiti ako.

Nagising ako ng maramdaman kong may gumalaw sa aking tiyan. Napatingin ako sa katabi ko na himbing na himbing ang tulog na nakayakap sa akin. Napangiti ako sa isiping totoong may nangyari sa amin. Mission success. Napatunayan kong ako pa din.

Dahan-dahan kong tinatanggal ang braso niya mula sa pagkakayakap sa akin. Ayoko siyang magising at makita akong nakahubad kahit na may nangyari na sa amin. Nang magawa ko yun ay nilapitan ko ang cabinet niya sa inisa-isa ang mga damit doon. At tama nga ang sabi niya, andun pa din ang mga damit kong maayos na nakatupi.

Kumuha ako ng isang damit doon at pantalon at sinimulang isuot. Pagkatapos nun ay lumabas ako at tumungo sa kusina. Nakarinig ako ng ingay ng mga taong nagtatawanan at nakita ko ang gang na masayang kumakain ng breakfast.

Napatingin sa aking gawi si LJ. “O Rein, dito ka pala natulog?” tanong niya.

Napatingin ang lahat sa akin kaya lumapit na ako sa kanilang lahat at kumuha ng tinapay. “Oo.” Matipid kong sagot.

“Saan ka natulog dito Rein? Tiningnan ko yung kabilang guest room pero yung sling bag mo lang ang nakita ko.” Seryosong tanong ni Penn habang sumusubo ng hotdog.

Patay! Anung isasagot ko ngayon dito? Ayokong malaman nila may ugnayan na naman sa aming dalawa ni Will. Ayokong masira ang pangalan ko sa gang.

Nakarinig kami ng yabag patungo dito sa kusina. Nakita namin si Will na surpresang nakatingin sa akin, at huminga siya ng malalim saka dumalo sa amin.

“Morning William,” pangiting bati ni Mhyrr sa kanya.

“Yow pare, kain tayo.” Aya sa kanya ni LJ at Bem-bem.

Dahil na din sa okupado namin lahat ang stools sa may kitchen island ay pumwesto na lang siya aking likuran na siyang ikinagulat ko. Inabot niya ang tinapay sa may mesa “Akala ko nawala ka na at panaginip lahat ng nangyari sa atin kanina,” pabulong niyang sabi sa aking tenga saka kinagatan ang tinapay.

“Mabalik tayo sa tanong ni Penn, Rein. Saan ka nga ba natulog?” tanong ni Marty. Patay. Muntik ko ng makalimutan ang tanong nila dahil sa ibinulong ni Will. Letse ka talagang lalaki ka! Lagi mo na lang ako pinakakaba! Anung isasagot ko ngayon sa kanila?!

“Nakatulog siya sa sala.” Sagot ng taong nasa likuran ko.

“O? Paano mo nalaman William?” tanong ni Bem-bem sa kanya.

Napapikit na lang ako sa mga tanong nila at sa sagot ni Will. Ba’t kasi yun pa ang isinagot niya? Palagay ba niya hindi makakapansin ang gang?

“Nadaanan ko nung hinatid ko pauwi si Shiela,” sagot niya at lumipat ng pwesto.

Nagkatinginan sina Mhyrr at Nick. “Umuwi si Shiela?” tanong ni Mhyrr kay Will na siya naman nitong tinanguan.

Lumapit sa akin si Jamie. “Ba’t doon ka nakatulog?”

Nginitian ko naman siya. “Hindi kasi ako inantok kaya nagpalipas oras ako sa sala, hindi ko namalayang nakatulog pala ako doon.”

“So rude of you, William.” Saad ni Jamie.

Nalilitong napatingin si Will kay Jamie. “Ba’t ako na naman nakikita mo Jamie?”

“Nakita mo naman siyang nakatulog sa sala ba’t ‘di mo pa ginising?” pagalit na tonong tanong ni Jamie sa kanya.

Tiningnan niya ako. “Tulog mantika ang babaeng yan. And besides, I don’t want to ruin her dreams since she’s been calling out for my name and smiling while sleeping.” Pangiting-aso niyang saad.

Huh! The nerve! Binato ko nga siya ng tinapay. “Ang kapal mo!” saka napangiti.

“I won’t bet a buck on that lie, dude.” Saad ni Theo sa kanya.

“Ayan na naman siya sa kahanginan niya,” natatawang saad ni Mhyrr.

Nagkibit-balikat siya. “Bahala kayo. Basta ako, alam ko kung ano ang nakita at narinig ko.”

Nagsimula na silang mag-asaran at naging maingay na naman ang gang. I just miss this. Yung ganito kaingay at pag-aasaran ng bawat isa.

Hinampas ni Jamie sa braso si Will dahil sa ginulo nito ang buhok niya. Nag-joke naman si Bem-bem ng corny joke kaya nakatikim siya ng sapak sa mga lalaki. Samantalang ako ay tawa ng tawa habang pinanonood silang lahat na mag-asaran.

William looks at me while smiling and I do the same. He suddenly winked at me like saying ‘You must thank me since I saved you.’ na siyang nagpatawa pang lalo sa akin at binato siyang muli ng tinapay.


~~~~~*


Slashedheart </3

No comments:

Post a Comment