Blogger Widgets

Two


“Hindi ba talaga ako pwedeng sumama d’yan, Rein?” I stared at him likes I’m going to kill him.

Andito kami ngayon sa inuupahan kong apartment ni Jacob at kanina niya pa ako kinukulit-kulit na isama siya sa birthday celebration ni William.

I rolled my eyes to him. “Jac, hindi nga pwede for how many millionth times.” Sabi ko habang naglalagay ng mascara sa aking pilik mata. Dapat maganda ako na mas mag-outstand ako kesa sa Shiela na ‘yon.

Umupo siya sa katabing upuan ko at tinitigan ako sa may salamin sa aking harapan. “And why? Wala namang sinabing hindi pwede ang hindi niya kaibigan?” pangungulit niya pang muli.

Napapikit na lang ako sa inis. Isa na lang Jac makakatikim ka na naman sa akin! ”Hindi nga talaga pwede and besides you are not invited to that party.” Rason ko emphasizing na hindi siya imbitado.

“Oh e ‘di escort mo na lang?”

“Hindi siya magde-debut Jac,” I am totally pissed.

Nagpalinga-linga siya sa paligid para makahanap pa ng idadahilan niya. Kilala ko na siya sa ganyang actions niya. “Paano kung abutin ka ng madaling araw doon? Sinong maghahatid sayo? Baka nga hindi ka na makakauwi? Saan ka matutulog?”

Fine! I really have to spill it for him to understand why.

I faced him. “Yun na nga yun Jac eh? Gagabihin ako kasi nga party niya yun diba? So there’ll be two options if ever na hindi ako makakauwi ng maaga na siya namang plano ko talaga originally.

Una,” saad ko habang nagbibilang din sa aking daliri “ihahatid na niya ako dito sa apartment ko after ng party niya.

Pangalawa,” and I did the counting in my finger again “doon na ako matutulog sa pad niya kasi hindi na siya makakapagmaneho dahil sa kalasingan na siyang plano ko ulit.” I look at him eye to eye. “Nakuha mo na punto ko kung bakit ayaw kitang isama?” taas kilay kong tanong sa kanya.

Tumayo siya at bumuntong hininga. “Fine then,” tinalikuran niya ako “don’t call me when something happened to you or those plans of yours wouldn’t be success.” Saad niya habang lumalapit sa pituan ng aking kwarto.


“Wag naman sanang pumalya. And don’t worry, I don’t have any plans to call you late up night para lang magpasundo.” I smirked when he glance for me again.


He slammed the door that made me laugh real hard. He’s totally annoying when it comes to things like this. I like him as my friend but what makes me sick of him is that sometimes he acts like my possessive slash clingy boyfriend na siyang ayaw ko sa mga lalaki. If only I can ditch him but I still need him.


After kong mag-ayos, lumabas na ako ng aking kwarto at pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Naabutan ko si Jacob na kumukuha ice cream sa fridge na mukhang dadalhin niya sa sala. “Jac, does that mean you are going to stay here in my place?” tanong ko matapos kong inumin ang isang basong tubig. Uhaw ako, period.


“I don’t want to see them so maybe I will.” Sabi niya habang naglalakad patungong sala.


Ibig bang sabihin nun ay nandun sa bahay nila si Stefan at Royalty? Hahaha! Kaya pala gustong sumama sa akin dahil gustong magpalipas ng oras. Hahaha! Can’t imagine if I’m going to say those thoughts of mine for him to be pissed.

Ilang minuto ang makalipas ay nagpaalam na ako kay Jacob at sumakay na ng taxi papuntang El Comedor. Napuntahan ko na ang lugar na iyon ng ilang beses kaya medyo familiar na ang lugar. Atsaka nagtext na din si Shiela sa akin kung anung floor ang unit ni William. Hands on talaga siya sa party na ‘yun ha? Kaya ba siya nagustuhan ni William?

For about half an hour, dumating na din ako sa El Comedor. In all fairness, payapa ang lugar na ‘to. Very accommodating ang staffs with all the smiles and by seeing at their posture I can humbly say that they are well trained.

Madali kong tinungo ang elevator na sana ay papasara na pero ng mapansin ako ng tao sa loob nito ay pinigilan niyang magsara ito. And a familiar face I saw.

“Rein?” he asked. “Going to William’s party?” dagdag niya.

Pumasok na ako sa elevator at nakita ko pa ang kasama niya, ang kanyang girlfriend na si Mhyrr. “Hi Rein,” bati ng girlfriend niya. She used to be my friend before, but I ditch them both.

I smiled at them. “Hi Mhyrr. Hi Nick.” Bati ko and waved my hand. “Yeah, they invited me.”

Nagkatinginan pa muna silang dalawa bago ako harapin ni Mhyrr. “You mean Sheila and William?” she asked.

I nod as an answer. “Why?”

“Nakilala mo na pala siya?” Nick asked.

“Who?” Pakunot-noo kong tinanong sa kanila, kunwari ‘di ko alam ang tinutukoy nilang tao sa akin.

Nagakatinginan silang dalawa saka tumingin sa aking gawi si Mhyrr. “Si Sheila.” Sagot niya.

Yeah. Yesterday at CHEFS canteen. I accidently bumped to her chair and surprisingly she’s with William and the rest is history. Bakit?”

Muli ay nagkatinginan silang dalawa. Nginitian pa muna ako ni Nick bago sumagot. “Wala naman. Akala namin si William ang nag-imbita sayo.” He flashes his signature smile. The plastic one.

“Actually Sheila is the one who invited me,” taas kilay kong sabi sa kanila “kilala niyo naman si William. Hindi mahilig sa madaming tao mas lalo na sa mga ganyang party.” I look at them and they both smiled at me while Mhyrr clang her hand to Nick.

I smiled to them as they remain silent. I made myself busy scanning my phone pero ang focus ko ay nasa pagre-reminisce ng nakaraan.

Minutes passed and we reached the seventh floor and we are heading to Will’s unit. As we enter the room, music’s are banging to its loudest volume, a wave of people dancing on the floor at mukhang new set of friends dahil halos hindi ko kakilala, at hindi pahuhuli ang nakakahilong disco lights nila. Just wow, ang laki ng space ng bago niyang nilipatan! Ganito na ba kalaki ang pagbabago ni William?

Sheila’s approaching to our direction and hugged Mhyrr and Nick then gave a peck on their cheek. “Buti naman at nakapunta kayo!” sinubukan niyang palakasin ang boses niya para marinig siya nina Mhyrr.

Napatingin siya sa aking gawi at nilapitan ako. “Rein! Buti nahanap mo ‘to.” Then she smiled.

We exchanged hugs and kisses as if we’re that close. “Yeah. Nakasabay ko kasi sina Mhyrr at Nick sa may elevator kaya nagsabay na din kami papunta dito.” What do you expect, Sheila? I’m good at direction kahit wala sila.

“Talaga?” sinulyapan niyang muli sina Mhyrr at Nick na nakangiti sa aming dalawa. “Mabuti naman kung ganun,” she faced me “tara sa kitchen. Tikman niyo yung niluluto ko, hahaha!” and led us to kitchen.

As she tour us, I once saw Will upstairs looking down on us and following where we are heading. Hindi ko alam kung kami bang apat ang tinitingnan niya o ako lang kasi nagtama ang paningin naming dalawa pero ako ang unang bumawi ng tingin.

We reached the kitchen and Sheila made us sit to the stools around the kitchen island. May mga nakalapag doon na samut-saring barbeque at inisa-isa naming tinikman gaya ng sabi niya kanina. In all fairness, marunong siyang magluto. Siya daw ang naghanda ng lahat, yun ang sabi niya.

Binuksan niya ang oven at nilabas ang isang cake na kaka-bake lang. “Help me to decorate these guys, okay?” She asked as she put the cake at the kitchen island.

“I really like to do that!” Mhyrr squealed and started to get some icing.

Kumuha na din si Nick. “Count me in, Sheila.”

I loved doing stuffs like that and such pero hindi ko lang feel na tulungan sila. Ang dami nila at iisa lang ang cake, siguro kaya naman nilang tatlo yan. After all, parang hindi pa ako welcome dito.

Nabigla ako ng titigan ako ni Sheila. “Aren’t you going to help us Rein?”

“Uh,” I waved my hand “no. Actually I am not good at that thing. I love to eat but I don’t know how to do that.” Saad ko habang itinuturo ang pinagkakaabalahan nilang cake. I lied and faked a smile.

Nahuli ko pa si Nick na napangiting aso samantalang si Mhyrr ay nilapitan ako at hinila palapit sa kanilang tatlo. “Halika na Rein.”

At ayun na nga, pinilit ako ni Mhyrr at Nick na tulungan sila since magaling naman daw ako sa art kaya nagkunwari akong walang kaalam-alam at nagbibigay kunwari ng mga ideas sa magiging itsura ng cake na nauwi namang lahat sa opinion ni Sheila.

Ba’t pa nga ba ako nagsasayang ng panahon dito kakasabi ng mga ideya kung ang masusunod naman talaga e itong nagpa-papel na girlfriend ni Will?

“How’s it guys? Isn’t great?” pagyayabang niya na kulang na lang ay mangislap ang kanyang mga mata habang tinititigan ang cake sa kanyang harapan.

May konting icing siya sa kanyang ilong at hindi ko alam kung nararamdaman niya ba iyon o hindi. Sasabihin ko na sanang punasan niya yung ilong niya ng biglang dumating si Will at agad na tinabihan si Shiela. Napansin kong nagkatinginan muli sina Mhyrr at Nick ng nakangiti at muling sinulyapan ang kararating lang na si Will.

“Hey Will, tikman mo kaya yung gin---“ napahinto sa pagsasalita si Shiela ng biglang hapitin ni Will ang kanyang baywang para halikan sa kanyang ilong.

“Hmmn,” nag-isip pa muna siya bago magsalita “masarap.” Seryosong dugtong niya samantalang si Sheila ay kanina pang nakatulala sa kanya. Hindi ata maka-get-over sa mga pangyayari.

Duh Sheila? Bago ka niya hinalikan sinulyapan niya muna ako na parang gusto niyang ipamukha sa akin na selos na selos ako. Asa ka pa.

“Oy Will, ilong ni Shiela yung tinikman mo, hindi yung cake,” pangiting biro ni Nick.

“Bakit?” Sinulyapan niya si Shiela “there’s an icing at the tip of her nose. Yun na lang tinikman ko,” saka tumingin sa aking gawi.

“Ang sweet naman,” pakilig na tonong sabi ni Mhyrr.

Napapikit na lang ako hindi dahil sa selos kung hindi sa ka-corny-han nilang ginagawa.

“Uh, l- lets go guys. The visitors are w- waiting for us.” Shiela stuttering said while glancing Will’s face.

Tinulungan ko silang dalhin ang iba pang mga pagkain sa sala para makapagsimula na. Sa dami ng tao, mukhang sina Will, Mhyrr, Nick, well add her too ang kilala kong nandito ngayon. The rest, nakikita ko naman ang mga pagmumukha nila sa campus pero hindi ko totally kilala.

Shiela went near to the DJ and instructed the guy to stop the music for a while then faced the crowd after that and smiled to us. “Good evening to all of you,” pangiting bati niya na siyang binati naman siya pabalik ng iilan. “Thank you for coming. Liam,” sinulyapan niya pa muna si Will na siyang nakapagpangiti sa kanya “and I didn’t expect to a large number of guest just like this actually so in behalf of Liam, I am all thanking you again for coming and celebrating Liam’s birthday with us. Enjoy the party guys!” tinaas niya ang kanyang kamay sa ere as if on cue biglang nagpatugtog ang DJ ng party song.

Umalis na silang dalawa sa harap at kung saan man sila pumunta, yun ang hindi ko alam. Bigla na lang silang nawala sa paningin ko, samantalang sina Mhyrr at Nick ay nagsimula ng manguha ng pagkaing nakahain sa may ‘di kalayuan.

What do you expect Rein? Lagi namang nagsosolo ang dalawa na yan pag nagkakasama kaya wag ka ng umasang may dadamay sayo ngayon sa pagiging forever alone mo.

Now I am regretting why I didn’t invite Jac to be my date, okay to be my partner na lang para naman hindi ako mukhang out of place dito.

For how many minutes passed nang panonood sa mga taong walang ginawa kung hindi magsayaw at magsigawan, nagme-make-out session sa corner na kulang na lang talagang makmukhang bar na ang unit ni Will, I decided to head to the kitchen to get some water. Nauhaw ako sa pananahimik ko sa sulok na para akong nanonood ng sine, kainis.

As I enter the kitchen, I didn’t expect what I saw.


~~~~~~~x


Next: Chapter 3

No comments:

Post a Comment