As I enter the
kitchen, I didn’t expect what I saw. It was Sheila hugging Will so tight pero
itong si Will parang wala lang sa kanya ang presensya ni Sheila. Hindi ko
ineexpect na ganito ang inaasal niya pag sila na lang dalawa ang
nagsasarilinan. ‘kala ko may pagka-conservative ang babaeng ito dahil sa mga
actions niya. Will I call it sweet the way she’s doing right now? Hindi ba
landi tawag dun?
Whatever!
“Liam, let’s go outside na, baka hinahanap ka na ng mga kaibigan
natin,” said Sheila.
Gaya nga ng sabi
ko kina Mhyrr at Nick, ayaw ni Will ng mga ganitong event. Yung madaming tao na
sobrang crowded na. Yun ang isa sa mga alam ko sa kanya. Pero ang araw ng
kapanganakan niya, ba’t nakalimutan ko yun?
Ilalayo sana ni
Will si Sheila mula sa pagkakayakap nito sa kanya ng mapansin niya ang
presensya ko, kaya imbes na ilayo niya ito ay mas lalo niyang hinapit sa bewang
at pinalapit pang lalo at hinawi ang buhok nitong nakalugay sa kanyang kanang
balikat saka pinatong ang kanyang ulo sa kaliwang balikat nito habang
nakatingin sa akin samantalang si Sheila ay nakatalikod sa akin.
“Diba sabi ko naman sayo, hindi mo na kailangang gawin ito.
Makasama lang kita, ayos lang ako doon,” tumayo siya ng maayos at
hinarap si Sheila. “Punta na lang tayo
sa kwarto ko,” aya niya kay Sheila.
Such a gross, Will. Wala ka talagang ipinagbago.
Tatalikuran ni
Sheila si Will kaya nagkunwari akong kararating ko lang. “Oh, I- I’m sorry.” Tuluyan na siyang napatingin sa aking gawi. “Did I interrupt you guys?” lumapit ako
sa may kitchen island.
Will smirk as I
look at him nang nakatalikod na si Sheila.
“Ah,” lumayo si Sheila sa kanya at nilapitan ako “bakit Rein? May kailangan ka?” pangiting tanong niya sa akin.
Hinagod ko ang
aking lalamunan. “Nauuhaw kasi ako, wala
namang tubig doon sa sala kaya pumunta ako dito para sana kumuha.”
Lumapit si Will
kay Sheila at muling hinapit ito sa kanyang baywang. “There’s a water in the fridge Reina,” napatingin sa kanya si
Sheila kaya tiningnan din niya ito. “Let’s
go?” aya niya kay Sheila at inalalayang maglakad palabas ng kusina.
Huh! That bastard.
Kumuha na ako ng
tubig sa fridge at nagsalin ng tubig sa baso ng biglang pumasok si Mhyrr. “Want some?” aya ko as I raised the
glass full of water.
Lumapit siya sa
kitchen island ng nakangiti. “Salamat.
Tara na sa labas, andun sina LJ kasama ang iba pa. Hinahanap ka din nila ng
malaman nilang nandito ka,” pangiting saad niya sa akin.
What? Andito ang
gang ngayon? Wait, paano na ‘to?
Lumapit si Mhyrr
sa akin at hinila ako palabas ng kusina. “Tara
na Rein, they’ve been looking for you. Alam mo namang mahal na mahal ka ng gang
kaya hindi pwedeng hindi ka magpakita sa kanila.” Sa sinabi niya,
nagpatangay na ako sa kanyang paghila sa akin.
Nang makarating
na kami ni Mhyrr sa isa sa mga kwarto sa unit ni Will na kung saan may mga malalaking couch, nandun silang lahat nakaupo
at tahimik na nakatingin sa akin habang ako nakangangang hindi makapaniwala na
sa ilang taon ang nakaraan, ngayon ko lang ulit sila makikita at makakasama.
I saw LJ as what
Mhyrr said a while ago, with his frat mate Penn at gaya pa din ng dati close pa
din sila sa isa’t-isa na parang may relasyon, well if I know meron naman
talaga. Siguro malanding ugnayan kung matatawag.
A girl suddenly
stood up at went near to me to give me a tight hug. “Rein! It’s been a long time!” She faced me and holds me to my
shoulders. “How are you?” pangiting
tanong niya sa akin.
It’s Jamie.
Girlfriend of Theo. Daughter of auntie Connie. Paanong makakalimutan ko siya eh
siya ang pinakaclose ko sa gang. “I’m
okay, Jamie. Ikaw? Musta ka na?” binawian ko naman ang kanyang ngiti.
“Ayos lang. Ang tagal mo ding hindi bumisita sa amin, alam mo bang
nagtatampo na si ‘ma sayo? Lagi ka niyang hinahanap sa amin ni Theo,” she once glance
Theo at tumingin na din ako sa kanyang gawi. He raised his glass na sa tingin ko
alak ang laman.
I smiled at them.
“Pasensya na. Medyo busy sa study life,”
study life your face Reina.
Jamie faced the
gang with a smile. “Hey guys, ang
tahimik niyo? Kanina ang ingay niyo! Where’s the noise?” she look at me
with a smile.
Isa isa na silang
lumapit sa akin para batiin ako at kumustahin. Umupo ako sa tabi ni Jamie at
nagsimula ng makipag-ingayan sa kanilang lahat. I missed them. I miss them so
much! Yung ganitong ingay nila, na-miss ko pa din. They keep on throwing jokes
at ako naman parang bata na mababaw lang ang kaligayahan na tawa ng tawa sa
sobrang benta ng jokes nila mas lalo na si Kent.
Dumating na din
ang dalawang sina Will at Sheila kasama si Nick na siyang ikinatahimik ng gang.
They started to look at Sheila na nakangiting nakaharap sa aming lahat.
Will threw his
cigarette butt in the trash bin and introduces Sheila. “Guys, I would like you to meet Sheila,” she said hi to all and
smiled. Then Will introduces the gang one by one to her and they warmly
welcomed Sheila. Pagkatapos nun ay umupo na silang dalawa sa kabilang couch at
nagsimula ng bumati ang iba kay Will.
I’m about to
drink my beer when Jamie look at me and sat closer at me. “I don’t like the new one Rein,” she stated.
“Who do you mean?” I asked her as I put back my glass to the
table.
Inginuso niya si
Sheila na masayang nakikipagkwentuhan sa iba naming mga kaibigan. Nagulat ako
ng bigla na lang may binulong sa akin si Jamie. “Don’t you think the relationship they have is just a lust, a desire?” kaya
napatingin ako sa kanya.
“E- ewan ko. Hindi ko alam,” kibit-balikat kong sagot sa
kanya at ininom ng tuluyan ang aking beer.
Biglang lumapit
sa amin si Kent na may ngiting-aso sa kanyang labi. “Nasayo ang huling halakhak Rein, kaya wag kang mag-alala.” Nakikinig
pala sa usapan namin ang lokong ito at umalis na lang bigla pagkatapos sabihin
yun at nilapitan sina Will.
Napatingin sa
akin si Jamie at tinitigan ako. “Maiba
tayo. Sino na bago mong boyfriend ngayon?” masayang tanong niya sa akin.
I sighed. “Wala. Busy sa studies.”
Napakunot-noo
siya. “Ba’t hindi na lang kayo
magbalikan?”
Tinaasan ko siya
ng kilay at ngumiti. “Sino sa mga ex ko
ang tinutukoy mo?” saka humalakhak.
“Loka ka talaga. Alam mo na kung sino ang tinutukoy ko.”
Imbes na sagutin
siya ay nginitian ko lang siyang muli at nagpatuloy sa pakikipag-usap tungkol
sa buhay buhay.
Nagkaayaan ang
gang na maglaro ng baraha at kung sino ang matatalo ay iinom ng isang basong
puno ng beer. Just wow, aayaw sana ako ng hindi sila pumayag at dapat daw ay
kasali ako dahil isa ako sa magagaling na maglaro at malakas naman daw ako
uminom. And aside from that, change the loser gaya ng nakagawian para
makapaglaro ang lahat.
Nasa kalagitnaan
na kami ng masayang paglalaro ng magsimula ng magpaalam ang ibang bisita kay
Will at Sheila hanggang sa kami na lang na nasa kwarto ang natira ilang oras
ang makalipas. Ilang case ng Rh ang naubos namin at may tama na ang lahat kahit
ako ay parang gusto ko ng masuka. Pero itong si Will parang wala pang tama at
gaya pa din ng dati ay sanay na sanay na siyang uminom. Wala talagang siyang
ipinagbago.
Nagsimula na
siyang tumayo at inalalayan si Sheila sa paglalakad palabas ng kwarto. At saan naman kaya sila gagawa ng make-out
session ngayon?
I stood up and
enter the comfort room maghilamos at mahimasmasan. As I went out of the comfort
room, I saw Will trying to wake up our friends.
Akala ko naman magme-make-out na din sila. I helped him and
did the same thing he was doing.
Nang makalapit na
ako kina LJ para gisingin sana siya ay biglang niyakap ni Bem-bem si LJ at may
kung anung ibinubulong habang tulog na siya ikinatawa ko ng mahina. Napatingin
ako kay Will na nakangiting nakatingin kina Bem-bem at LJ ngayon. Akala ko ako
lang ang nakakita, pero pati din pala siya.
Nakangiting napatingin siya sa akin kaya napangiti na din ako.
“I- I must go,” paalam ko sa kanya ng maalala kong napangiti na
pala ako sa kanya. Naglalakad ako papalapit sa couch para kunin ang sling bag
ko.
“Gabi na Reina,” he said as he looks at me after looking at his
wristwatch.
“May masasakyan pa naman ako siguro,” saad ko. I’m not really sure
kung may masasakyan talaga ako sa mga oras na ‘to. Pag ganitong mga pangyayari
kasi nasanay akong hinahatid nina Nick at Mhyrr ang kaso tulog na din sila.
“No. You’ll stay here Reina. Dito ka na magpalipas ng gabi,” he seriously
stated. “Delikado na sa labas, baka kung
mapano ka pa. Tulungan mo na lang ako dito na gisingin sila para makalipat na
sila sa guest room.”
Napangiti ako. Step one’s done as what I have planned.
Pinagpatuloy niya
ang kanyang ginawa at dahan-dahang ginising ang mga kaibigan namin. Binalik ko
ang aking sling bag at tinulungan siya sa paggising sa iba gaya ng kanyang
sinabi. Mahina naming binubulungan sila na gumising na at lumipat sa guest room
ang kaso ang hirap gisingin ng iba. Puro tulog mantika haha! Siguro dahil na
din sa dami ng nainom.
Nakapamewang na
tumayo ng maayos si Will habang tinitingnan ang gang. “Hindi tayo matatapos nito. Try to wake them up Reina and I’ll led the
others to the guest room,” biglang sabi niya ng mapansin niyang nagsiupuan
ang iba sa couch at nagpatuloy sa pagtulog.
Tinanguan ko siya
at sinusubukang gisingin ang iba samantalang siya ay inaalalayan ang iba
palabas patungong guest room.
Thirty minutes
passed as we successfully made the others to wake up and led them to the guest
room. I sighed. Napagod ako kakagising sa mga lokong ‘to! Tiningnan ko si Will
na kinukumutan ang mga babae samantalang ako ay nasa may pintuan.
Nang matapos na
siya ay nabaling ang kanyang tingin sa akin. “Bakante ang kabilang kwarto Reina doon ka na lang matulog.” Lumapit
siya sa akin at iginiya ako sa kabilang kwarto. Binuksan niya ang pintuan at
tumingin sa akin. “Sige na. Alam ko
antok ka na,” saad niya.
Pumasok na ako sa
kwarto na siya namang dahan-dahang sinasara ang pinto. Tss. Wala man lang good night?
May cr sa loob ng
kwarto kaya pumasok ako doon para maghilamos ulit. Ang laki nga talaga ng bago
niyang nilipatan ngayon, may dalawang guest room na may kanya-kanyang cr sa
loob nito. Mayaman nga talaga ang loko.
Nakita kong may
toothbrush at toothpaste na hindi pa nabubuksan sa may sink, ginamit ko na lang
yun. Babayaran ko na lang if ever magalit ang loko kung ba’t ko ginamit. Tss. Wag na Rein, mayaman nga siya diba?
And the question now is what next step is and how will I execute
it if Sheila’s around?
No comments:
Post a Comment