Blogger Widgets

One


Oh love. Love makes the world complicated aside from money that makes the human evil, tss.

Tama naman ako diba? Kung hindi pera ang problema ng isang tao, pag-ibig naman. Hindi porket ang dalawang nilalang ay nagmamahalan ng wagas ay wala ng problema doon, naisip din ba nila na may nasasaktan sila? Tss.

Gaya ng lalaking nasa harapan ko ngayon. Gusto ko ng isubsob ang mukha niya sa mesa dito sa canteen sa mukha niyang ipinapakita niya sa akin ngayon.

"Jacob Hernandez, move on." saad ko sa kanya habang panguya-nguya ng bubble gum.

He sighed. "I just can't, Reina Mondragon."

Napataas ang aking kilay sa kanyang sagot. "Eh 'di paghiwalayin natin silang dalawa, gusto mo?" I look at him sarcastically.

At sa wakas! Naagaw ko ang atensyon niya at bigla siyang napatingin sa akin. "Thanks for the suggestion Rein," he smiled "but I don't want to ruin anyone’s relationship."

"Huh?!" That answer of him makes me roll my eyes. "Kesa naman sa nagkakaganyan ka eh 'no?"

He flashed a smile again but not as genuinely as before. "Alam ko makakaya ko 'to. I'll just avoid her as what Stefan requested."

WTH?! "Wha- what did you just say? Bakit mo naman iiwasan si Royalty eh you're the best friend here in the first place?"

"Best friend lang ako, Rein. Boyfriend niya si Stefan. Wag mo ng problemahin yun, ako ng bahala."

I just roll my eyes on him.

Ano ba ang pinag-uusapan namin dito? Eto kasing kaibigan kong si Jacob, may girl bestfriend na nagngangalang Royalty Concepcion. They've been what-- three years best of friends at bigla na lang susulpot ang kapatid nitong si Jacob na si Stefan at ang worst pa niyan nagpaalam pa sa kanya kung pwede daw ba niyang ligawan ang bestfriend nitong si Royalty. At eto namang si Jacob my friend iba ang naramdaman ng malaman niyang may gusto ang kapatid nitong si Stefan kay Royalty. So syempre dahil kapatid niya naman ito, pinayagan ng mokong na Jacob ang kanyang kapatid. As the day goes by, na-realize na ni Jacob na mahal na pala niya na pala ang kanyang best friend. At ngayon, yan ang pino-problema niya ngayon.

Natuon ang atensiyon ko sa dalawang taong kakapasok lang sa canteen. They look so sweet na nakakairitang makita.

"Jac," tinawag ko si Jacob habang nakatuon pa din ang aking pansin sa dalawa na kakatapos lang mag-order na ngayon ay naghahanap ng mapupwestuhan para umupo.

"Ano?"

Nang makaupo na ang dalawa saka ko tiningnan si Jacob. "Kilala mo ba yung babaeng kasama ni William?"

Tumingin naman si Jacob sa table na itinuro ko sa may 'di kalayuan. "Your ex." he smiled. A sarcastic one.

I rolled my eyes. "Yeah, yeah, my ex. My great ex. So ano na? Kilala mo ba ang kasama niya?" pinandilatan ko na siya para malaman niyang seryoso ako sa tanong ko.

"Hmmn," he glanced again to the girl "she's Sheila. Third year student, a shifter to our course from BS Nursing," then he looked at me. "Bakit mo naitanong?"

Napangiti ako pagkatapos magsalita ni Jacob. "Nothing much," nadako muli ang aking tingin kay Jacob na hanggang ngayon ay nakasalumbaba pa din habang nakatulala sa kawalan. "Wait, pano mo siya nakilala?"

He stared at me confusingly. "Why not? She's popular here. Every boy's crush. Kahit ako crush siya."

What? "Popular siya? Ba't 'di ko siya kilala?" I ask him while staring at the laughing couples.

"Busy ka sa mga plano plano mong hindi ko naman alam kung anu-ano."

Napalingon ako dali-dali sa kanya. Nagagalit siya sa akin? "What are you trying to say, Jacob?"

Nagkibit balikat lang siya.

I ignored his shrug. Buong atensyon ko ay nasa dalawang nagtatawanan ngayon at sa mga planong naiisip ko.

“Wait here Jac, kakausapin ko lang sila.” Tumayo na ako para sana lapitan na ang dalawang nag-uusap ngayon nang pigilan ako ni Jacob. “What?”

“Mukhang ayaw ko ‘yang gagawin mo Rein,” kunot noo niyang sabi sa akin.

Napangiti ako ng payak. “Wala akong masamang gagawin, Jac. Kakausapin ko lang naman sila. After all I have something to say to William,” I smiled at him.

He sighed deeply. “Whatever, Rein.”

Nginitian ko na lang siya at naglakad na patungo sa isang table sa may ‘di kalayuan. I glanced first at Jacob na napapailing na lang habang pinapanood ako. I winked at him while smiling and he just sighed. Ang bipolar talaga nun, hahaha!

So what are you going to do now, Rein?

Palapit na ako ng palapit ng pakunwaring hindi ko sinasadyang mabangga ang upuan ng babaeng kasama ni William na susubo na sana ng spaghetti. I look at her worriedly and feeling sorry after the accident. Accident your face, Rein.

“Oh my gosh,” sabay takip ng aking bunganga. “I am really very sorry. Hindi ko sinasadya.” I stated while holding her hand.

Nilingon ko naman ang kasama ng babaeng hinahawakan ko ngayon. “William?” I once glance at the girl and look at William who’s now confusingly staring at me. “Long time no see,” nginitian ko silang dalawa ng kasama niyang babae. “Hi. I’m Reina Mondragon, but just call me Rein. William’s friend, and you are?” sabay lahad ng aking palad.

Tiningnan niya muna si William bago tanggapin ang aking kamay para sa handshake. “Shiela Marie Beranda,” then she smiled.

“Nice meeting you, Shiela.” Pangiting saad ko sa kanya.

“Nice meeting you too, Rein.” Ganun din siya.

Itinuon kong muli ang aking atensyon kay William na kanina pa walang kaimik-imik. “How are you, William?” pangiting tanong ko sa kanya. 

Remember me?

“I’m good, Reina. Ba’t ka nandito?” Tanong niya habang patuloy pa din sa paghihiwa ng steak na nasa mesa.


Tatlong taon na ang nagdaan William pero wala ka pa ding ipinagbago. Reina pa din tawag mo sa akin pero suplado ka pa din.


“Bawal na ba akong pumasok sa isa sa mga canteen dito sa university?” pabirong tanong ko sa kanya. “I’m with Jac,” sabi ko sa kanilang dalawa sabay turo sa mesa namin ni Jacob. Nang mapansin niya kami ay tumango siya sa aming gawi “and I accidentally bump to her chair,” I look at Shiela and gave her a smile “and to my surprise, ikaw pala ang kasama niya.”


Patuloy pa din siya sa pagkain samantalang si Shiela ay nakangiti pa din sa akin. “I didn’t say that you’re not allowed to enter university canteens.”


Napatawa na lang ako sa sinabi niya. “Wala ka pa ding ipinagbago, Will. How’s life? Is Shiela your new girl?” pangiting tiningnan ko si Shiela sa aking tabi. 

New girl victim perhaps?
Tiningnan lang kami ni William samantalang si Shiela ay napapangiti habang namumula ang kanyang pisngi. An artificial blush on her cheeks, if I know. Blush on lang naman. Ano ‘to? Puppy love? Tss.

“Soon to be his,” pangiting saad naman si Shiela habang pasulyap-sulyap kay William.

So hindi pa pala sila? Napangiti ako sa mga isiping tumatakbo sa aking isipan.

Sinulyapan naman ni William si Jacob sa may ‘di kalayuan. “I guess you better get going Reina. Baka hinihintay ka na ng date mo.”

“Oh,” I rolled my eyes “he’s not my date. He’s just a friend of mine. But I think I should go. Sorry to disturb you.”

Paalis na sana ako ng hawakan ako ni Shiela sa aking kanang braso para pigilan. “Why?”  I asked her.


Tumingin muna siya kay William. “Why don’t we invite her Liam?”

Liam? “Invite me to what? May okasyon ba?” tanong ko at napatingin na din ako kay William na ngayon ay titig na titig kay Shiela.


She grabs my hand and smiled at me genuinely. “Tomorrow is William’s birthday and I am thinking to invite you since you are one his friends. Konti pa lang kasi ang naiimbitahan namin.”


William’s birthday by tomorrow? Ba’t hindi ko alam yun? Ganun na ba ako ka-makakalimutin? “Oh I’m sorry, I forgot,” nilapitan ko si William at hinalikan sa kanyang pisngi. How does it feel to be kissed again in your cheek by your ex, Will? “Advance happy birthday, Will.” I smiled to him.


He looks at me coldly. “Thanks.”


“So Rein,” napalingon naman ako sa nagsasalitang si Shiela. I almost forgot her presence of thinking nonsense past of Will and I “tomorrow by seven pm at Liam’s place. Alam mo ba ang pad ni Liam?”

Alam na alam. “Yeah. Sa may Aurora Extention, right?” saad ko ng buong pagmamayabang. I’ve been in William’s pad for how many times kaya imposibleng makalimutan ko ang lugar na iyon.

Napangiti si Shiela sa akin at pinagmasdan si William. “Ang swerte ko naman at ako pa lang pala ang dinala mo sa unit mo, Liam.”

Wait? What? Unang dinala sa unit ni Will? “What do you mean by that Shiela?”

“Lumipat na siya sa El Comedor sa may Tanghal.” Pangiting sagot niya sa tanong ko.

Wow. Medyo napahiya ako doon ng konti ah? At ang mokong na ito wala man lang sinasabi? Ni hindi man lang sumabad nung nagsasalita ako?

“Ikaw talaga Will,” saad ko sabay tap ng kanyang shoulder na siya namang napatingin sa akin “hindi mo man lang binanggit sa akin na lumipat ka na.” At tumawa ako ng payak. Pinahiya mo pa ako.

“So Rein, I am expecting you to be there. Okay?” Shiela asked.

Nginitian ko siya ng pinakasweet kong smile pero sa kaloob-looban ko, nagngingitngit ako sa asar. Napahiya kaya ako? Tss! “Oh sure, I’ll be there. It’s Will’s day tomorrow, I really have to be there. Am I right, Will?”

He just nodded. “You have my number Will, just text me if the par---“

Napahinto ako ng titigan ako ni William. “I’ve changed sim Reina. I forgot to save your number.”

What?! Pang-ilang what ko na ba ito sa araw na ito? Wait, seriously? Alam ko namang wala akong karapatang magreklamo dahil ex niya ako pero hello? Ba’t siya pa ang may ganang magalit eh dapat nga ako ang dapat na umuusok ang ilong dito? It’s been what--- three years pero ‘di pa din siya ano? Maka-move on ba?

“Uh,” napansin ko na lang na may kung anong kinukuha si Shiela sa kanyang handbag “here.” Sabay abot ng kanyang cellphone. “Save your number Rein and I’ll give you a call.” Pangiting saad niya.

Inabot ko naman ang cellphone niya at nilagay sa contacts niya ang number ko. Pagkatapos ay ibinalik ko na sa kanya. “Thanks,” she said.

“I have to go. It’s really nice to meet you Sheila.” Pangiting saad ko kay Shiela at bumawi naman siya ng ngiti.

“Same here Rein. See you around.” Sabad niya.

“Bye Sheila. Bye Will.” Paalam ko at nagsimula ng naglakad papunta sa table namin ni Jacob.

Tinititigan ako ni Jacob habang papalapit at nang makalapit ako umupo na ako. “Jac, staring is rude you know?” I asked him in a pissed tone.

“Does that look of yours calls for a celebration?” He devilishly smiled and raised his bottle of Pepsi. Ibig niyang sabihin papunta kami sa usual spot namin para mag-inuman.  Sa 9th Avenue.

I fished in a tissue paper and threw out my bubble gum in it. Grabbed his drink and drank it bottoms up. “No need. I have a better idea.”




~~~~~~~x

Next: Chapter 2

No comments:

Post a Comment